


Ang Maynila ay nakakuha ng katanyagan para sa mga nakatagong mga halaga ng kultura at tradisyon sa ilalim ng modernong at populasyon ng lipunan.
Ang nakasisilaw na epicenter ng Pilipinas ay nasa ilalim ng magagandang libro ng mga taga-Europa mula sa mga taon para sa matagumpay na pakikibaka mula sa maraming mga makasaysayang kaganapan kasama ang World War II. Ang proseso ng pagbabagong-anyo ay nakikita pa rin sa kamangha-manghang mga lugar ng pagkasira at makasaysayang mga lugar ng Maynila kahit ngayon.
Tuwing bakasyon isa sa mga pinakahihintay ng mga tao ay ang mamasyal o magbakasyon sa kanya-kanyang probinsya. Dito ay makakapagpahinga ng maluwag ang ating sarili dahil sa wakas lalayo tayo sa reyalidad na kinakaharap natin sa ating buhay. Makapunta sa mga lugar na kung saan makikita ang iba’t ibang kagandahan ng pook na iyon. Ang sining at kulturang napayaman ng mga naninirahan doon at naging angkin sa ating mga mata .
Kamakailan ako ay nagbakasyon sa aking kamag-anak sa kamaynilaan kung saan akala ko’y munting mga istraktura lamang ang aking matatanaw. Ito ang naging tinggin ko sa maynila dahil doon madalas ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas. Gayunpaman mayroon palang natatagong kagagandahan ang maynila na wala sa ibang lugar o sa pinaggalingan natin. Ang maynila ay puno ng atraksyon sa mga turista kung saan ito ay kakaiba sa karanasan. Ngunit nangingibabaw ang mainit na temperatura na kinakailangan ng panpalamig.





Ang Star City ay isang amusement park sa Pasay, maraming aliwang maaring pambata man o pangmatanda man. Habang nasa loob ng gusali maraming atraksyon, maraming bilihan ng pagkain kung sakaling magutom man, at bilihan din ng mga paninda ng iba’t ibang negosyante. Kung nakapunta ka na sa Star City, alam mong mabilis lang ang duration ng mga sakayan. Kapag natapos ang isang ride at gusto mo pang umulit, pipila ka nanaman. Kaya natutunan ko na pahalagahan ang bawat sandali. Hindi lahat ng rides sa Star City ay pangbata at mayroong mga sakayang maari sa akin ngunit nakakatakot naman. Ang turo sa akin ng ate ko, hindi ka mag-eenjoy at matututo sa buhay kung hahayaan mong pigilan ka ng takot. Kung nagadala ako sa takot, hindi ko sana naranasan ang sya ng pagsakay sa ferris wheel at pagtakbo paikot-ikot sa horror house. Nakakatakot na talaga ang buhay. Sayang ang mga oportunidad kung hahayaan mong takot ang maghari sa buhay natin. Sa huli kasiyahan ang makikita sa munting ngiti namin at naging isang alaalang hindi makakalimutan.





Isa sa naging transportansyon na ginagamit ng mga tao roon para sa mabilisang sakayan papunta sa paroroonan ay ang LRT o ang light rail transit at ang MRT o ang metro rail transit. Sa kaalaman natin ang LRT at MRT ay hindi masiyadong napapansin ng ating gobyerno sa paglipas ng mga taon. Gayunman maraming Pilipinong umaasa sa serbisyong mabilisang pumunta sa iba’t ibang parte ng kamaynilaan. Ito ay isang karanasang dapat subukan kung sakali man ika’y na sa Maynila. Ang aking karanasan ay isang pagbukas ng mata at kasindak-sindak. Ngunit bago makapasok sa tren, magbabayad muna beep card na naghahalaga ng P20.00 sa isang gamitan. Una, sinubukan namin ng aking ate ang LRT-1. Mula UP Diliman, sumakay kami ng jeep papuntang Katipunan, pagkatapos kunting lakad papuntang LRT-2 Katipunan Station. Kung saan nasa ilalim ito at nakakalito sa tukuyin kung ang platform. Noong nakarating na kami wala masiyadong tao sa istasyon. Sa higit limang minutong paghihintay sa tren, sa kalayuan ito sa maririnig sa malakas ng sirena at mga nag babantay na guwardiya na pumipito na huwag lalagpas sa dilaw na linya. Nang dumating ang tren, nagmamadali akong sumakay sa tren kasama ang iba pang mga pasahero at sinubukan kong makahanap ng isang upuan. Sa kasamaang palad, walang mga upuan na magagamit, at kailangan kong tumayo at kunin ang mga rehas habang isinara ng tren ang mga pintuan nito at isinugod ang istasyon. Maaari kong sabihin sa iyo na ang nakatayo sa mga tren ng LRT-2 ay walang problema sa lahat, dahil mayroong isang sapat na puwang sa pagitan ng nakatayo at nakaupo na mga pasahero. Sa loob ng tren maraming palatandaan sa kaligtasan mo habang nasa loob. At mayroon akong nalaman sa pagsakay ko sa tren, kung saan ang pinaka-unang parte ng tren ay para lamang sa mga kababaihan, matatanda at mga bata o sanggul. Para maiwasan ang panliligalig ng mga masasamang tao. Siyempre, kailangan mo ring mag-alala tungkol sa mga amoy sa katawan ng katabi mo kapag nakatayo ka at humawak na mga rehas sa kaligtasan natin. Sa pagsakay ng LRT ay naging bago at naiibang karanasan. Basta’t naligo, nagpabango, mahabang pasensya at talas ng isap, ika’y makakaligtas.





Tulad ng mga katutubo sa Maynila, ganoon din ang lutuin nito. Ang pagkain ng Maynila ay sumasalamin sa isang predilection para sa pagsalubong sa mga tagalabas, para sa pagsasama nila at pagtulong sa kanilang pagsasama, para sa mas mabuti o para sa mas masahol pa. Mga kainan sa Maynila ay di hamak nakaka iba kaysa sa lungsod ng Baguio. Ito ay marahil hindi matatagpuan sa ibang lugar, malalaking pirasong pagkain o inuman, ngunit nagsisimahalan naman.
Green Belt at Glorietta Area. Ito ay kung saan ang karamihan sa mga turista ay mamimili. Ang Green Belt ay higit pa sa mas mataas na dulo habang ang Glorietta ay kalagitnaan ng hanay upang mamimili ng badyet. Maraming mga pagpipilian sa mga tuntunin ng mga restawran sa paligid dito at maaari kamangha mangha sa paligid ng lugar na ito mula umaga hanggang hapunan! Maraming bar at pub sa Green Belt para sa iyo na magkaroon ng inumin ~ ~ ang eksena sa gabi sa Havana Cafe, sa tabi ng Starbucks ay isang mabuting lugar para sa mga nanonood.
Ang aking pagliliwaliw sa kamaynilaan ay isang karanasan na nagmulat sa aking mga mata kung papaano ang buhay ng mga taong naninirahan roon. Lalo na ngayon at nasa tamang edad na ako para gumawa ng mga desisyon sa buhay. Sa paglalakbay na iyon sa natutunan kung maging bukas ang isipan para makita ang kagandahan ng isang lugar sa pamamagitan ng karanasan sa lugar na inyo. Hindi sa haka haka ng naririnig natin sa ibang tao para lamang masira ang imahe ng lugar na iyon.

Sanggunian:
ang ibang litrato ay sariling kuha
https://www.pinterest.ph/pin/549439223290451501/

