
Sa panahong ngayon maraming mga tao sumusubok sa iba’t ibang bagay na kung saan bisyo ang pinipili ng ilan. Kung umano ang paninigarilyo ay isang bisyo na tumatanggal ng dinaramdam ng kalooban o isang libangan para maaliw ang tao. Ngunit ito walang pinipiling tao, mga kabataan man o mga matatanda, mayaman man o mahirap, ang paninigarilyo ay hamak na walang kinikilingan. Ngunit ito din ay sanhi ng kamatayan, disabilities at iba pang sakit. Napatunayan natin na ang kamatayan ay hindi maiiwas, gustuhin man o hindi doon pa rin ang bagsakan. Maaring ito ay mapa-aga ito lalo kapag nalulong sa bisyong paninigarilyo at hindi na makatakas sa hinagpi ng naidulot ng paninigarilyo. Datapwa’t ang oras ng naninigarilyo ay limitado na lamang dahil ang sigarilyo ay maraming kemikal na nasa loob ng isang stick na sigarilyo, sa pag-inhale at pagbuga ng usok ay nagdudulot ng mga karamdaman at sa huli ay kamatayan ang paroroonan.

Ang paninigarilyo ay nakakapatay. Ayun sa pananaliksik ng World Health Organization (WHO), mayroong 7 milyon na ang nasawi dahil sa paninigarilyo sa buong mundo at 260,000 namn ay mga bata itoay dahil sa inhalation o “second hand smoker”. Bukod sa mga batang “second hand smoker”, tumaas din ang mga kabataang nagbibisyo lalo na ang paninigarilyo. Bawat stick ng sigarilyo ay katumbas ng unting -unti pagsimula ng iba’t ibang sakit. Kagaya ng sampong stick kadaaraw ay katumbas ang diabetes. Kapag ito ay naparami ng paggamit, maari magpakita ng sakit tulad ngng bituka ng ischemia, pagkabigo ng bato, hypertensive na sakit sa puso, prostate at kanser sa suso pati na rin ang kamatayan mula sa impeksiyon ay ipinapakita na magkaroon ng malakas na koneksyon sa paninigarilyo.

Bilang ang ating oras sa mundong ito at hindi natin mawari kung kailan tayo hahantong sa kabilang mundo. Panatiliin natin iwasan ang bisyo na pinapahamak ang ating buhay at ang mga tao sa kapaligiran natin. Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Mamahalin ang gastusin sa pagbili ng pakete ng sigarilyo at mas lalo na mahal ang pagpapagamot. Bagkus, maraming magagandang libangan na makakatulong sa ating pangaraw-araw kagayang pagensayo ng ehersiyo at pagkain ng masusustansyang pagkain. Iwasan na dapat ang mga bisyo lalo’t na maraming babala at mga mensahe ukol sa paninigarilyo. At bigyan pansin na lamang ang mga pangarap na handang kamitin.
Mga sanggunian:
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/tobacco
mga larawan ay nakuha sa https://www.pinterest.ph/search/pins/?q=cigarette%20art&rs=rs&eq=&etslf=2893&term_meta[]=cigarette%7Crecentsearch%7C3&term_meta[]=art%7Crecentsearch%7C3
Mahaba ang pamagat
LikeLike